-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Nag-viral sa social media ang kabaong na itinawid sa kasagsagan ng baha sa probinsya ng Cotabato.
Isinakay sa balsa ang kabaong na gawa sa mga puno ng saging upang maitawid sa ilog ng Barangay Palacat, Aleosanm Cotabato.
Pahirapan ang pagtawid sa kabaong dahil sa baha dulot ng nararanasang pag-ulan at wala pang tulay sa lugar.
Nagtulungan ang mga residente at kamag-anak ng namatay na gumawa ng balsa sa pinagtagpi-tagping puno ng saging kung saan doon isinakay ang kabaong.
Matagumpay namang naitawid ang kabaong at naiburol sa tahanan ng namatay.
Hiling ngayon ng mga residente sa LGU-Aleosan at sa provincial government na sana malagyan man lang ng hanging bridge o tulay ang ilog.