-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inantay pa ng Philippine Coast Guard Surigao del Norte ang resulta ng forensic examination na ginawa ng Philippine National Police (PNP) upang ma-verify kung ang nakitang bangkay na nakalutang sa karagatan ng Sibulan, Negros Oriental kahapon ng umaga ay isa ba sa pitong mga missing na crews ng LCT Cebu Great Ocean barge.

Kaagad na ipina-alam ang impormasyon kay PCG-Surigao del Norte commander Elaine Pangilinan matapos marekober ang bangkay sa Brgy. Piapi na mahirap ng makilala dahil nasa state of decomposition na at wala n ang ibang parte ng katawan.

Suot ng biktima ang shorts na may kombinasyon ng kulay green at yellow at nakamedyas pa.