-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Hindi pa tukoy ang pagkakilanlan ng isang bangkay na itinapon sa gilid ng kalsada sa probinsya ng Cotabato.
Ayon sa ulat ng Arakan PNP na mismong mga residente ng Barangay Katipunan Arakan Cotabato ang nakakita sa bangkay.
Nakusuot ito ng kulay itim na t-shirt,jogging pants at tinatayang may edad 30 hanggang 35 anyos.
Nakapiring ang mata at nakagapos ang mga kamay kung saan may mga tama ito ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Arakan PNP at nanawagan sa publiko sa mga nawalan ng myembro ng pamilya na pumunta sa kanilang himpilan.