-- Advertisements --

Pumalo na sa 60 katao ang natagpuang patay sa gumuhong 12-palapag na gusali sa Surfside Florida.

Sinabi ni Miami-Dade County Mayor Daniella Levine Cava na mayroon pang 80 katao ang hindi pa nakikita dalawang linggo matapos ang pagguho ng Champlain Towers South condo.

Ang nasabing pahayag ay matapos na ilipat nila ang operasyon sa search and recovery mula sa dating search and rescue.

Umaasa naman si Surfside Mayor Charles Burkett na makita nila lahat ang mga natabunang biktima.

Magugunitang gumuho ang gusali dalawang linggo na ang nakakalipas kung saan sinasabing nasa 150 katao ang naiulat na natabunan.