-- Advertisements --

DAVAO CITY – Karumaldumal ang sinapit ng isang lalaki na natagpuang wala ng buhay sa Algon Dam, Brgy. Saum, Matanao, Davao Del Sur alas 6:30 ng umaga.

Nagkahiwa-hiwalay ang parte ng katawan ng biktima na pinaniniwalaang pinaanod sa Dam matapos na chinop-chop ng hindi pa kilalang suspek.

Kinilala naman ng kapulisan ang biktima na si Bonifacio Rabelo Ontoy, 52 anyos, may asawa at magsasaka na residente sa Sitio Bajada, Brgy. Towak, Matanao, Davao Del Sur.

Dahil sa tindi ng pagkakataga, nagkahiwa-hiwalay ang bahagi ng katawan niyo na kung saan hanggang ngayon ay hindi pa nakikita ang isang binti at kamay ng biktima.

Ayon sa imbestigasyon, huling nakita ang biktima pasado alas 7 ng gabi noong Desyembre 27, 2022. Lasing umano ito na bumili sa tindahan sa Sitio Kilong, Brgy. Manga, Matanao, Davao del Sur, ang lugar kung saan ay naiwan ng biktima ang kanyang motorsiklo.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng Matanao Police Station upang mapanagot ang pumaslang sa biktima.