-- Advertisements --

ILOILO CITY- Patuloy pa na iniimbestigahan ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng sunog sa isang punerarya sa Iloilo kung saan isang bangkay ng tao ang natupok.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay SFO3 Francisco Arevalo, acting Municipal Fire Marshall, sinabi nito na totally burned ang Salome Gasapo Funeral Services kung saan umaabot sa P2 million ang halaga ng pinsala.

Ayon kay Arevalo, ang nasunog na bangkay ng isang lalaki ay nakatakda pa sanang iuwi sa kanilang bahay ngayong araw.

Maliban dito, nasunog rin ang nasa 50 mga kabaong at anim na mga sasakyan sa loob ng compound ng punerarya.