-- Advertisements --
Jaro 1

ILOILO CITY – Patuloy pa ngayong inaalam ng Philippine National Police (PNP) ang motibo sa pagpatay sa mga salvage victims na natagpuan sa Barangay Bitoon, Jaro, Iloilo City nitong umaga.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Jemrod Eribal, 22, ng Caingin, Lapaz, Iloilo City at Tristan Eribal, 18, ng San Isidro, Lapaz.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Rowen Eribal, ina ni Jimrod, sinabi nito na pasado alas-4:30 kaninang madaling araw may kumuhang lalaki sa kanyang anak at sa pinsan nito.

Matapos ang ilang oras, natagpuan na lang ang mga biktima sa tabi ng kalsada sa Barangay Bitoon sa Jaro, Iloilo City na nakagapos ang mga kamay at may packing tape ang bibig at mata.

Natagpuan naman ang kutsilyo sa tabi ng mga biktima na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.