-- Advertisements --

DAVAO CITY – Natapuan na ang bangkay ng tatlong menor de edad na nalunod sa may Davao River malapit sa Liloan, Brgy. Mandug lungsod nga Davao.

Kinilala ang mga biktima na sina Takeshie Sanico – 13 taong gulang, Kian Carlo Bituin – 12 taong gulang, at Jeric Redulla -12 taong gulang.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, parehong mga studyante ang mga nasabing biktima.

Samantala ayon naman sa mga rumespondeng tauhan ng BDRRMC Mandug at Central 911 Urban Search and Rescue, napaulat na galing sa paglalaro ng basketball ang mga biktima at nagpasyang maligo sa batis alas-dos ng hapon at doon na nangyari ang insidente.

Natagpuan ang unang dalawang bangkay pasado alas 3 nga hapon, samantala bandang alas 4 ng hapon naman natagpuan ang huling bangkay,.

Sa kasalukuyan nakahimlay na ang mga labi ng mga biktima sa isang funeral homes ng lungsod.