-- Advertisements --
LAOAG CITY – Inaasahang sa Mayo 5 na makakarating ng Pilipinas ang bangkay ng tatlong Pilipinang binawian ng buhay sa nangyaring sunog sa Doha, Qatar noong Marso 19, 2020.
Sinabi ng isa sa agency ng mga nasawing Pilipina, madaling araw nangyari ang sunog at nasa 2nd floor ng bahay ang mga OFWs kaya hindi kaagad nakalabas ang mga ito.
Base sa imbestigasyon, nagkaroon nang problema sa linya ng kuryente kaya sumuklab ang apoy sa naturang bahay.
Natagalan ang pagresponde ng mga bumbero dahil sa umiiral na lockdown.
Ang mga namatay na pinay ay mula sa Ilocos Norte, Nueva Ecija at Davao.
Natagalan umano ang pagbiyahe sa mga bangkay ng mga pinay dahil sa covid-19 pandemic na nararanasan sa buong mundo.