-- Advertisements --

Na-rekober na ang lahat ng mga bangkay ng pasahero ng bumagsak na eroplano sa Brazil.

Ayon sa mga otoridad ng Brazil na kanilang nakita na rin ang blackbox ng ATR 72-500 plane sa binagsakan nitong lugar sa bayan ng Vinhedo na may layong 80 kilometro sa Sao Paulo.

Ang kabuuang bangkay na 62 ay binubuo ng 34 na lalaki at 28 na babae ay dinala sa morgue sa Sao Paulo para sila ay kilalanin ng pamilya.

Magugunitang nitong Biyernes ng bumagsak ang nasabing eroplano na inooperate ng kumpanyang  Voepass at sumabog sa kabahayan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nangyaring insidente.