-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Natagpuan na ang bangkay ng bata na nalunod sa Pulangi River sa Kabacan Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Raida Amal,7 anyos at residente ng Sitio Lumayong Barangay Kayaga Kabacan Cotabato.
Ayon kay Kabacan MDRMM Officer Rosalie Budoy na nakita ang bangkay ng bata sa may pinapatayong tulay malapit lang din sa pinangyarihan ng pagkalunod.
Lubos naman ang pakikidalamhati ni Kabacan Mayor Evangeline Pascua-Guzman na aniya, higit sa lahat siya ay isang ina at ramdam nito ang sakit na dulot ng ganitong pangyayari sa isang ina.
Matatandaan na aksidenteng nadulas ang bata sa gilid ng ilog habang itoy naglalaro.