-- Advertisements --

CEBU CITY – Aminado ang pamilya ng siyam na mag-anak na nasawi sa Iloilo Strait tragedy na masakit pa rin ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay sa insidente.

Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Romhil Bagiuo, na hirap ang kanilang pamilya na tanggapin ang pagkakasawi ng kanyang magulang at kapatid sa trahedya.

Nasa proseso na kasi ngayon ng pagpapalibing ang mga naulila matapos makarating sa Cebu City ang labi ng mga biktima.

Kaugnay nito nangako si Cebu City Mayor Edgardo Labella na magpapaabot ng tulong pinansyal sa pamilya ng mga nasawi.

Bukod kasi sa P5,000 na ibibigay ng loca government, ay may P50,000 pa mula sa Office of the Presidential Assistant for the Visayas (OPAV).

Katunayan inako na raw ng gobyerno ang pagpapalibing sa mga biktima.

Nagpasalamat naman ang mga nauilala mula sa pamilya Janson.

Ipinaabot ni Jason Janson ang pasasalamat nito sa alkalde dahil sa tulong at pangakong imbestigasyon sa Philippine Coast Guard.

Sa ngayon nakahimlay sa loob ng gymnasium ng Brgy. Ermita, Cebu ang mga labi ng mga biktima.

Isinakay ng C-130 plane ang mga ito sa tulong na rin ng OPAV.