-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga kapulisan sa bangkay ng American vlogger na si Elliot Eastman matapos na dukutin ito sa Zamboanga.
Sinabi ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na mayroong isa sa mga naarestong suspek sa pagdukot ang nagsabing maaring patay na si Eastman.
Nagkaroon ito kasi ng tama ng baril sa hita at sa tiyan ng manlaban sa mga armadong suspek.
Mayroon nakakita rin na itinapon na sa dagat ang biktima dahil sa mga tindi ng bala.
Katuwan na ng PNP ang Armed Forces of the Philippines para sa paghahanap sa bangkay ng biktima.
Magugunitang noong nakaraang buwan ay napatay ng mga otoridad ang tatlong suspek na nasa likod ng nasabing pagdukot kung saan mayroong tatlong kasamahan ng mga ito ang naaresto.