-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Hinatay pa ngayon ang resulta sa giniwang autopsy sa bangkay ng isang babae na natagpuan kahapon ng hapon sa Barangay El Rio, Sibagat, Agusan Del Sur.

Ito ay upang matukoy ang dahilan sa pagkamatay nito lalo na’t walang nakitang sugat sa kaniyang katawan.

Ayon kay Police Capt. Joel Ablan, Officer-in-charge o OIC sa Sibagat Municipal Police Station, na pasado alas 2:40 sa hapon nang ipinaabot sa kanila ang nakita sa mga minor-de-edad na bangkay na nasa kanal sa gilid ng daan.

Sa inisyal na imbestigasyon, isang babaye ang biktima na nasa 20 hanggang 30 taong gulan, 5’2 ang height at curly ang buhok.

Ayon sa opisyal na base sa nakita ng SOCO, madaling araw pa nang namatay ang biktima na hanggang sa pagkuha nitong balita, ay patuloy pang kinilala.

Nanawagan na lamang si Police Capt. Ablan sa taongbayan na kung mayroon silang nalamang nawawalang babae ay kaagad na tumawag sa Sibagat MUnicipal POlice Station.