-- Advertisements --

NAGA CITY- Dumating ang bangkay ng Bicolanong isa sa siyam katao na binawian ng buhay sa Laguna plane crash.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Rqdyo Naga mula sa Philippine Red Cross CamSur-Chapter,nabatid na pasado ala-2:30 hapon ng Martes nang dumating ang bangkay ni Kirk Badiola sa Legazpi Airport.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Ma. Francia Fullante, head ng Red Cross-CamSur, sinabi nitong bago mangyari ang aksidente, tumawag pa sa kanila si Badiola at nagtanong kung may mga malalaking aktibidad na gagawin ang tanggapan dahil handa umano itong tumulong pag-uwi sa CamSur.

Nabatid na matagal na naging volunteer safety instructor si Badiola sa Red Cross- CamSur kung kaya labis ding ikinalungkot ng tanggapan ang nangyari.

Si Kirk Badiola ang naghihintay na sanang matapos ang kanyang volunteer training bago mangibangbansa para doon na magtrabaho.