-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Mapait ang sinapit ng 60 taong gulang na lalaki na residente ng Barangay Fatima nitong lungsod matapos namatay sa COVID 19.

Matapos pinasa-pasa habang karga ng sasakyan na nakabalot lang ng kumot.

Namatay umano ito sa pagamutan habang hinihintay ang resulta sa swab test matapos nahirapan sa paghinga.

Pumunta umano sila sa Rural Health Unit sa Barangay Fatima nitong lungsod para mapalibing o mapacremate ang bangkay subalit natagalan pa bago pinansin at sinabihan na dalhin ito sa crematorium.

Pagdating sa lugar hinde tinanggap ang bangkay dahil hinde nakabalot sa cadaver bag.

Ginawa ng pamilya ng biktima pumunta sa Bombo Radyo para matulungan sa pagpalibing.

Kaagad namang sinagot ng City Health Office at nirekomenda ang pag disinfect sa sasakyan na kinargahan ng bangkay at kaagad dalhin sa quarantine facility ang pamilya at hinde na papuntahin ng crematorium.

Kaagad namang kinuha punerarya ang bangkay ng COVID 19 patient para dalhin sa crematorium para i-cremate.