BAGUIO CITY – Pinaglalamayan na sa Benguet ang Pilipino seafarer na nasawi sa arson attack na nangyari sa isang bar sa Mexico noong Agosto 27.
Si 3rd Engineer Nathaniel Apolot Alindan na isang seaman, 31, may asawa, ay tubo ng Bakun at Kibungan, Benguet.
Ayon sa pamilya ng Igorot seafear, nabantayan ang bangkay sa isang punerarya sa Cruz, La Trinidad, Benguet at ngayong araw ay dadalhin ito sa Palina, Kibungan, Benguet.
Inihayag ng pamilya na magiging isang hamon sa kanila ang pagbiyahe sa bangkay dahil sa nagpapatuloy na pag-ulan.
Gayunpaman, nagpasalamat ang pamilya Alindan sa lahat nang tumulong para maiuwi ng bansa ang bangkay ng seafarer gayundin sa lahat ng nakikidalamhati sa kanyang sinapit.
Si Alindan ay isa sa dalawang Pilipino seafarers na kabilang sa 26 na nasawi sa pag-atake ng mga gang members sa isang bar sa Mexico noong nakaraang buwan.