-- Advertisements --

LAOAG CITY – Patay ang isang furniture worker matapos magbigti sa malaking puno ng mangga gamit ang tali sa Brgy. Sta Cecilia, San Nicolas, Ilocos Norte.

Nakilala ang biktima na si Robert Paradeza, nasa legal na edad, stay-in sa furniture shop sa nasabing barangay.

Ayon sa anak ng biktima na si Rojan Paradeza, residente ng Brgy. 6 dito sa lungsod ng Laoag, bago ang insidente ay namasyal ang kanyang ama sa kanilang bahay at nakitang malungkot ito.

Aniya, parang nagpapaalam ang kanyang ama sa kanila pati na ang kanyang ina.

Inamin ni Paradeza na naghiwalay ang kanyang mga magulang dahil may mental disorder ang kanyang ina.

Base sa PNP San Nicolas, hindi pa nila alam kung may foul play ang insidente.