-- Advertisements --

LA UNION – Nakilala na ang bangkay ng isang lalaki na una nang natagpuan sa dalampasigan ng Brgy. Pagdalagan Sur, Bauang, La Union.

Kinilala mismo ng kanyang pamilya ang biktima na si Joel Mendoza, 40 anyos, isang guro ng DMMMSU-MLUC dito sa lungsod ng San Fernando, at residente ng Brgy. Parian Este, Bauang, La Union.

Matinding kalungkutan ang nararamdaman ngayon ang pamilya ng biktima at umaasa silang matutukoy ng mga otoridad ang responsable sa krimen sa lalong madaling panahon.

Una nang natagpuan ang katawan ng guro na nagtamo ng maraming saksak sa katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan, sa pamamagitan ng isang mangingisda.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga otoridad ang motibo sa nangyaring krimen.