BAGUIO CITY – Posibleng nahulog ang bangkay ng isang babae na wala ng malay na natagpuan sa isang tulay sa hangganan ng Camp 2 at Camp 3, Tuba, Benguet.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Police Major Dominador De Guzman Jr., Officer-in-charge ng Tuba Municipal Police Station (TMPS), sinabi niya a posibleng namatay ang babae ng umaga nitong Miyerkules yon na rin sa estado ng bangkay.
Aniya, nakakuha sila nga impormasyon ukol sa bangkay sa nasabing lugar at agad nila itong nirespondehan at dito na nila natagpuan ang wala ng malay na bangkay nga babae.
Samantala, inamin din ng opisyal na wala pang pagkakakilanlan ang bangkay dahil wala silang narekober na mga bagay na pwedeng pakakuhaan ng impormasyon sa nasabing bangkay.
Nakasuot ang nasabing bangkay ng navy blue na sweatshirt, gray na leggings at nasa 45 hanggang 50 taong gulang, maputi, kulay brown ang mahabang buhok nito, nasa 5’4 ang katangkad at walang tattoo sa katawan.
Ayon pa kay PMaj. De Guzman, wala silang nakita na anumang galos sa parte ng kanyang katawan.
Naidala na ang bangkay ng babae sa bahay damayan funeral homes at nakatakdang maisailalim sa otopsiya.
Samantala, humihingi ng tulong ang Tuba MPS sa mga nawawalan ng kaanak na pumunta lamang sa kanilang estasyon para sa pagkakakilanlan ng nasabing bangkay.