-- Advertisements --

DAVAO CITY – Wala ng buhay ng matagpuan kaninang alas 8 ng umaga ang isang dalaga sa banana plantation pagmamay ari ng SARBAC Company sa may bahagi ng Dacudao, Calinan nitong lungsod.

Ayon kay DCPO spokesperson Police Major Catherine dela Ray, tinabunan pa ng tuyong dahon ng saging ang bangkay ng biktima na nakahandusay malapit sa irrigation kanal sa Purok 6, Barangay Dacudao, Calinan.

Positibo namang kinilala ng pamilya ang biktima na si Vlanche Marie Laruan Bragas, 28 anyos, isang Archetic Engineer at residente ng Calinan Poblacion nitong lungsod.

Ayon sa otoridad, pasado alas 12 kaninang madaling araw ng huling nakitang buhay ang biktima sakay sa kulay dilaw na trisikel sa Crossing Fausta, Calinan nitong lungsod. Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa kapulisan upang matukoy ang salarin sa krimen.