-- Advertisements --

Bangkay na ng matagpuan ng mga otoridad ang batang nawawala sa creek sa Caloocan sa area ng Bulacan matapos na anurin.

Ito ang kinumpirma ng Caloocan LGU, matapos na makita ang katawan ng walong taong gulang na bata na wala nang buhay.

Naiulat itong nawawala matapos na bumuhos ang malakas na ulan kahapon.

Dakong alas 8 ng umaga natagpuan ang bangkay nito sa may bahagi ng Saog Bridge sa Marilao lalawigan ng Bulacan.]

Ang bata ay kinilalang si Jhaycob Anderson Manrique na residente ng Bagong Silang sa lungsod ng Caloocan,

Nagpaabot naman ng tuloy ang alkalde ng Caloocan sa pamilya ng biktima kabilang na rito ang burial assistance