-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nabulabog ang mga mangigisda sa Brgy. Centro Agdao District, Davao City matapos bumulaga sa dalampasigan ang bangkay ng isang hindi pa nakikilalang lalake.

Isinilid ang nasabing bangkay sa isang sako na may nakalagay na karatula na “Holdaper ko sa panel sa Davao City” (Holdaper ako ng panel sa Davao City).

Sa ngayon, tinutunton pa ng otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima at kasalukuyang isinasagawa ang imbestigasyon ng Sta. Ana Police Station upang matukoy kung sino ang nasa likod into at motibo niti sa nasabing krimen.