-- Advertisements --

VIGAN CITY – Natagpuan na ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang nalunod sa lungsod ng Vigan, Ilocos Sur dahil sa lakas ng alon sa kasagsagagan ng bagyong Falcon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan, sinabi ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council officer Michael Chan na noong gabi pa sila naghahanap sa katawan ni Benjamin Alibin, 76-anyos, taga-San Julian, Vigan pero hininto nila at pinagpatuloy ang kanilang operasyon nitong Sabado ng umaga.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinabi ng kapatid ng biktima na si Suling Alibin-Alarca na huling nakita nya ang kanyang panganay na kapatid noong Biyernes dakong alas-7:30 ng umaga at bitbit nito ang isang fishnet pero hindi na ito umuwi para manghalian hanggang sa gabi kaya naisipan nilang magpatulong sa mga otoridad.

Sinabi ni Chan na bandang alas-9:00 ng Sabado ng umaga nila nahanap ang bangkay ni Benjamin.