-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay nang matagpuan ang isang 17-anyos na si Joshua Nacion kahapon ng umaga, Marso 9, ngayong taon. Nalunod kase ito sa Davao River noong Marso 8 matapos tumalon sa Bankerohan Bridge habang hinahabol ng mga pulis ang kaniyang grupo.

Ayon kay San Pedro PS Station Commander, PMAJ. Marvin Hugos, nakatanggap sila ng report na may mga menor de edad sa ilalim ng nasabing tulay at kaagad naman sila nagtungo para makapagsagawa ng imbestigasyon.

Dagdag pa niya, nakigpatulungan sila sa Philippine Coast Guard at Davao City 911 rescue team para sa search and rescue operation. Sinabi rin ni Hugos na narekober nila ang 11 cellophane na naglalaman ng rugby, dalawang transparent mineral water na naglalaman din ng rugby at isang bote ng alak. Base na rin sa record ng San Pedro Police Station, dati na silang kinasuhan dahil sa pagnanakaw.

Sa ngayon, nakakulong na sa San Pedro Police Station ang tatlo nitong kasamahan, habang nakatakas naman sa rescue operation ang isa pa niyang kasama na ayon sa datos, lahat mga menor de edad.