BUTUAN CITY – Patuloy ngayong kinilala ang narekober na isang bangkay sa pinaniniwalaang rebelding New People’s Army o NPA matapos ang naganap na sagupaan sa nkaraang araw sa may Brgy Laperian, Prosperidad, Agusan del Sur.
Una nang na-engkuwentro sa pinagsanib ng tropa sa 75th Infantry Battalion at 41st Division Reconnaissance Company ang tinatayang 30 mga rebelde noong Agosto 18 matpos ang impormasyong ipinaabot sa kanila.
Tumagal ng 15 minutos ang sagupaan bago tumakas ang mga rebelde at naiwan ang iba’t ibang war materials na kinabibilangan ng isang high-powered firearm M16 rifle; isang fragmentary grenade; isang rifle grenade; apat na bala sa 40mm HE; isang set sa anti-personnel mine; 15 metro ng detonating cord; 22 na mahaba at isang short 5.56mm magazines; 58 na bala sa kalibre 30; 200 bala sa 5.56; tatlong bandoliers; 8 backpacks; 3 analog cellular phones; isang USB; mga medical at dental paraphernalia pati na ang subersibong dokumento na may mataas na intelligence value.
Kinabukasan naman, ipinaabot sa mga barangay officials ang nadiskubre na bangkay sa rebelde sa nasabi ring lugar.