-- Advertisements --

LAOAG CITY – Walang nakita ang mga otoridad na foul play sa pagkamatay ng isang senior citizen sa iBarangay Francisco sa bayan ng Dingras.

Kinilala ni Police Major Julius Basallo, chief of police ng PNP-Dingras ang biktima na si Pedro Gumayagay, 80-anyos, walang asawa at residente sa naturang lugar.

Ayon kay Basallo, nakita ng isang nagngangalang Alejandro Aguiran na nakadapa ang biktima sa may tubig kung saan naliligo ang kalabaw.

Dahil dito, agad nitong ipinaalam sa barangay at tumawag sila sa pulisya.

Sinabi ni Basallo na base sa kanilang imbestigasyon, posible umanong nawalan ng malay ang biktima hanggang sa madapa sa paliguan ng kalabaw.

Dadag nito na base sa pag-eksamin ng doktor, ang biktima ay nalunod na dahilan ng kanyang kamatayan.