-- Advertisements --

VIGAN CITY – Naniniwala ang mga otoridad sa Galimuyod, Ilocos Sur na walang foul play na nangyari sa pagkamatay ng isang senior citizen na natagpuan ang bangkay nito sa pugon ng tabako sa Barangay Sacaang sa nasabing bayan.

Ito ay base na rin sa imbestigasyong isinagawa ng mga kasapi ng Galimuyod Municipal Police Station na pinangungunahan ni PCpt. Pol Arreola.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Arreola, sinabi nito na posibleng inatake sa puso ang biktimang si Dominador Dacio, 60-anyos na residente ng nasabing lugar, habang ito ay natutulog sa loob ng pugon ng tabako.

Aniya, wala umano silang nakitang anumang palatandaan o sugat sa katawan ng biktima na maaari sanang maging lead sa totoong rason ng pagkamatay nito kaya naniniwala silang walang foul play sa nangyari.

Napag-alaman na nakaugalian na ng biktima na matulog sa loob ng pugon ng tabako at may history umano ang kanyang pamilya sa hypertension.