-- Advertisements --
ILOILO CITY- Nasa sa advanced state of decomposition na ang katawan ng isang lalaki nang natagpuan sa Barangay Tahing, Calinog, Iloilo.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay PCapt. Dadje De Lima, hepe ng Calinog Municipal Police Station, iya sinabi nito na tinatayang 10 araw nang patay ang biktima na tinapon lamang sa talahiban.
Ang biktima ay nasa 40 hanggang 50 ang edad, at tanging pantalon lamang ang suot nito.
Napag-alaman na nakahiwalay na ang ulo ng biktima sa kanyang katawan.
base sa imbestigasyon , may mga palatandaan na hinila ang biktima papunta sa lugar kung saan ito natagpuan.