BUTUAN CITY – Patuloy ngayon ang imbestigasyon upang matukoy ang dahilan sa pagkamatay sa isang lalaki na nakita na lang na nagpalutang-lutang ang bangkay nito sa karagatang sakop sa Surigao City sa nakaraang araw.
Napag-alamang nakatanggap ang Philippine Coast Guard Station Surigao del Norte ng tawag galing sa Operation Manager sa MV Fast Cat may kaugnayan sa kanilang natagpuan na bangkay sa karagatan sakop sa Berth 1, Surigao Base Port, Surigao City, Surigao del Norte.
Kaagad na nakikipag-ugnayan ito sa Coastguard Special Operations Unit – NorthEastern Mindanao, pati sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO, at Surigao City Police Station, para sa isinagawang pag-retrieve sa bangkay sa pamamagitan ng response team.
Dito nakilala ang bangkay na si Prince Edward Alapedi, 35-anyos na residente sa Purok-2, Barangay Sabang, Surigao City at naiturn-over sa sa Surigao City Police Station.