-- Advertisements --

LA UNION – Isang palutang-lutang na bangkay ng lalaki ang nakita ng mga otoridad sa karagatan na sakop ng Rosario, La Union/

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Police Major Gerardo Macaraeg, kasalukuyang chief of police ng Rosario Police Station, aniya ang nasabing bangkay ay mula sa Dagupan City, Pangasinan.

Kinilala nito sa pangalang Rofel Quinto de Vera, residente ng Daet, Camarines Sur, ngunit nagtungo sa siyudad ng Dagupan noong semana santa para bisitahin at sorpresahin ang ina nito.

Napag-alaman pa na birthday ng biktima noong Biyernes Santo, ngunit nagpaalam umano ito sa kanyang ina na magtutungo sa Tondaligan bandang alas 6:00 ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, walang nakitang sugat o galos sa katawan ng lalaki ngunit isasailalim pa rin ito sa autopsiya.

Isang basang cellphone ang nakita sa kanyang damit, at inilipat na lamang ang simcard, at naging daan ito para maipa-alam sa kanyang ina ang pangyayari.