-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Natagpuan na ng search and retrieval team ang katawan ng lalaking sa Naguillian, Isabela matapos malunod sa Alicaocao overflow bridge, Cauayan City noong gabi ng martes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Col. Randy Bueno, tactical operations commander ng Tactical Operations Group 2 sinabi niya na ang bangkay ng biktimang si Arnel Waña ng Union Cauayan City ang nakitang palutang lutang sa gitna ng ilog Cagayan na nasasakupan ng Naguilian Isabela kaninang umaga.

Tinatayang nasa mahigit isang kilometro ang layo mula sa Naguilian Bridge ng makita ng grupo ng TOG 2 ang bangkay ng biktima na nakadapa.

Agad na nakilala ng kamag anak ng biktima ang bangkay dahil sumama ang mga ito sa isinasagawang search and retrieval operation.

Dagdag pa ni Lt. Col. Bueno na pahirapan ang isinagawang search and retrieval operation dahil sa sama ng panahon gayundin ang malakas na agos ng tubig.

Matatandaan na noong gabi ng martes ay dadaan sana ang biktima sa Alicaocao overflow bridge subalit nahulog sa ilog ng matumba ang kanyang sinasakyang motorsiklo na idinaan niya sa gilid ng tulay.

Magugunitang na ang biktima ay lasing nang mangyari ang kanyang pagkahulog sa tulay .