-- Advertisements --

VIGAN CITY – Natagpuan ang bangkay ng isang lalaking pinaniniwalaang biktima ng salvage sa pampublikong sementeryo sa lungsod ng Vigan, lalawigan ng Ilocos Sur.

Ayon sa mga otoridad, itinapon lamang ang nasabing bangkay sa sementeryo na walang saplot at saka nilagyan pa ng semento ang kaniyang bunganga.

Maliban pa dito, ginilitan din ng mga hindi pa kilalang suspek ang kanang bahagi ng bayag ng hindi pa kilalang biktima.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng biktima.