-- Advertisements --

TACLOBAN CITY – Nakita na ng mga otoridad ang bangkay ng isang menor de edad na nalunod noong Easter Sunday sa isang beach resort sa Barangay 106 Sto. Niño, siyudad ng Tacloban.

Kinilala ang biktima na si Cristopher Sapra, 16-anyos, at residente ng naturang lugar.

Ayon kay P/Capt Edwin Cañamaque ng Tacloban City Police Office (TCPO), naligo ang biktima sa naturang resort kasama ang kanyang pamilya nang malunod ito.

Sinasabing malakas ang current ng dagat at nagkaroon ng high tide kaya nalunod si Sapra.

Nagbabala naman si Cañamaque sa mga maliligo sa dagat lalo na sa hindi marunong lumangoy na hindi magpunta ang mga ito sa mga malalalim na bahagi lalo na malakas ang alon.