Narekober ng Philippine Coast Guard ang bangkay ng isa sa mga biktima ng nasunog na MV Lady Joy 3 sa karagatan ng Basilan noong nakaraang linggo.
Kinilala ng mga tauhan ng PCG ang biktima na si Alses Hassan, isa sa mga naiulat na nawawalang pasahero ng naturang barko at nakita ang bangkay nito na palutang lutang sa katubigan ng Langgas Island, Maluso, Basilan.
Matapos marekober ang banggay ay kaagad naman itong itinurn over sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Maluso.
Umabot na sa kabuuang 32 na pasahero ang naiulat na nasawi habang patuloy pa rin sa paghahanap ang mga awtoridad sa iba pang nawawalang pasahero.
Una nang naiulat na nasunog ang MV Lady Mary Joy 3 noong March 29 ng gabi bandang alas-10:40 habang patungo itong Jolo , Sulu.
Nahihirapan naman ang mga awtoridad na hanapin ang natitirang biktima na nawawala dahil sa hindi tamang manifesto ng barko.