-- Advertisements --

ROXAS CITY – Hindi na iuuwi sa Roxas City ang bangkay ng piloto na kabilang sa mga namatay sa bumagsak na eroplano sa Mira Monte Village, Barangay Pansol, Calamba, Laguna.

Ito ang naging pahayag ni Anna Hernandez-Antioquia, kapatid ng namatay na piloto na si Captain Jesus Hernandez sa panayam ng Bombo Radyo Roxas.

Ayon kay Antioquia, sila na lamang ang pupunta sa Metro Manila para personal na damayan ang tatlong pamangkin sa pagkawala ng kanilang ama.

Kahit masakit ayon kay Antioquia ay tatanggapin na lamang nila ang sinapit ng kapatid, dahil naniniwala silang may dahilan ang lahat ng nangyayari sa buhay.