-- Advertisements --
FLORIDA PINAY MARICOY OBIAS

BACOLOD CITY – Natagpuan na ang labi ng Pilipinang si Maricoy Obias-Bonnefoy at asawa nitong si Claudio Bonnefoy sa nag-collapse mula sa 12-story condo sa Surfside, Florida.

Ito ang kinumpirma ng kanilang pamilya sa Star FM Bacolod.

Sa naging panayam kay Bettina Obias, pamangkin ni Maricoy sa Florida, sinabi niyang napakasakit tanggapin ang nangyari sa kanyang tiyahin na itinuturing na rin niyang parang sariling ina.

Sa pahayag ni Bettina, sinabi nito na sa kabila nang labis nilang kalungkot na hindi na nga nakaligtas pa ang mag asawang Bonnefoy, nagpapasalamat pa rin ang kanilang pamilya sa mga rescuers at iba pang tumulong para makita ang mga labi nila.

”I have 5 sisters her in the United States, four of them are here in Miami, Tita Maricoy is living here also. We are from Bicol Region, from Naga City and I came to the United States in 1980’s, I lived with her,” ani Bettina sa Star FM. “She was an amazing woman, a loving person, she was like my mom. She was a senior budget officer to the International Monetary Fund o IMF and her husband was the legal council for the United Nations.”

FLORIDA COLLAPSE CONDO

Nakausap din ni Bettina Obias si US President Joe Biden sa pagbisita nito sa site sa gumuhong condo units kung saan naging malaking bagay din ang personal na pakikiramay at pagpapakita nito ng simpatiya sa pamilya ng mga biktima.

Sa ngayon ay 22 na ang confirmed deaths habang mula sa 145 ay bumaba sa 126 ang mga missing pa matapos kinuha ang mga dobleng mga pangalan at ang ibang residenteng nai-report na missing ay lumabas na ligtas naman pala.