BAGUIO CITY – Sumasailalim na sa forensic examination ang bangkay ng isang Filipina household service worker na nagpakamatay sa Lebanon noong Sabado.
Sa panayam ng Bombo Radyo Baguio kay Chargé d’Affairs Ajeet-Victor Panemanglor ng Philippine Embassy sa Lebanon, sinabi niya na dumating ang nasabing OFW kasama ang kanyang employer noong Mayo 22 sa kadahilanang may problema raw sa pag-iisip ang nasabing OFW.
Ibinahagi niya na agad nilang tinanggap ang Filipina worker at bago pa man ito sumailalim sa assesment ay tumalon na ito sa ikatlong palapag ng embahada.
Aniya, wala pang 24 oras ang nasabing Filipinas worker sa pangangalaga ng Embahada ng Pilipinas sa Lebanon.
Sinabi ni Panemanglor na nakausap na nila ang pamilya nito at gumagawa na sila ng paraan para makauwi na ang bangkay ng Filipina worker dito sa Pilipinas.