GENERAL SANTOS CITY – Inaasahang darating ngayong araw sa Malungon, Sarangani province ang bangkay ni Kenneth Egano, ang boksingero na nasawi matapos ma-comatose ng apat na araw kasunod ng kanyang laban.
Ayon kay Mayor Maria Theresa Constantino ng Malungon, Sarangani, personal niyang kilala bilang mabait at magalang na bata si Egano dahil close umano ito sa kanya.
Isang malaking kawalan sa Philippine Boxing ang pagkamatay ni Kenneth dahil nasaksihan ng Alkalde ang kanyang pagsisikap hanggang sa lumaban siya sa National level.
Dagdag pa ni Mayor Constantino, nais niyang makausap ang promoter at manager ni Egano kung talagang nasa kondisyon siya bago sumabak sa ring o baka nasobrahan ang kanyang pagsasanay.
Sa ngayon, hinihintay na lang ang opisyal na anunsiyo mula sa pamilya sa mga susunod na hakbang na maiuuwi ang bangkay ni Kenneth.