-- Advertisements --
Hindi maiuuwi sa Pilipinas ang bangkay ng Filipino na binitay sa Saudi Arabia.
Ayon kay Riyadh Charges D’Affaires Rommel Romato, na nakasaad sa Shari’ah Law na ipinapatupad sa nasabing bansa na hindi nila pinapayagang iuwi ang nasabing bangkay.
Ang binitay na Pinoy ay kinasuhan dahil sa pananakit sa Saudi National ng dalawang beses sa ulo matapos ang alitan nila sa negosyo.
Nilinaw din ni Romato na ginawa nila ang lahat ng makakaya para mapalaya ang Pinoy subalit nagmatigas ang Pamilya ng biktima.
Nakasaad sa nasabing batas na maaring hindi tanggapin ng pamilya ang paghingi ng tawad at kung nais nilang gawin sa suspek ang sinapit ng biktima.