-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Natagpuang palutang lutang sa irigasyon at wala nang buhay ang isang sanggol na lalaki sa irrigation canal sa San Luis, Solano, Nueva Vizcaya.

Ang natagpuang sanggol ay agad na binigyan ng disenteng libing ng LGU Solano katuwang ang pulisya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCaptain Roger Visitacion, Deputy Chief of Police ng Solano Police Station, sinabi niya na natagpuan ang bangkay ng sanggol matapos ipagbigay alam ng ilang magsasaka sa himpilan ng pulisya.

Nakita ng mga magsasaka ang sanggol sa irrigation canal sa lugar na palutang lutang at walang suot na damit at tinatayang nasa isa hanggang dalawang araw na sa nabanggit na lugar.

Nang magtungo ang mga awtoridad sa lugar ay pansamantala inilagay sa karton ang sanggol at saka dinala sa punerarya at agad na ring ipinalibing sa isang pampublikong sementeryo ng lokal na pamahalaan katuwang ang pulisya.

Inaalam na ng pulisya ang maaring pagkakakilanlan ng ina ng sanggol na tinawag na iresponsable dahil sa hindi makataranungang ginawa sa sariling anak.

Nakikipagugnayan na rin ang Solano Police Station sa mga kalapit Barangay ng San Luis pangunahin na sa barangay Osmenia .

Lumabas sa mediko legal na patay na ang bata nang itinapon sa irrigation canal.