-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Brutal na pinatay ang isang matanda sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktimas na si Emilio Pacino,62 anyos,laborer at residente ng Barangay Kilada Matalam Cotabato.
Ayon sa ulat ng Matalam PNP na natagpuan nila ang naaagnas na bangkay ng biktima sa hangganan ng Barangay Ilian at Kilada sa bayan ng Matalam.
May malalim na sugat sa leeg ang biktima matapos siyang maiahon sa ilog at inilabas sa sako kung saan siya isinilid ng di pa tukoy na mga suspek.
Matatandaan na unang nagpablotter sa Matalam PNP ang pamilya ni Pacino nang mawala ito at hindi na nakauwi sa kanyang tahanan.
Sa ngayon ay may mga person of interest nang sinusundan ang pulisya sa pamamaslang sa biktima.