-- Advertisements --

VIGAN CITY – Iniimbestigahan pa sa ngayon ng mga otoridad ang pagkamatay ng isang senior citizen sa Sitio Namnama, Cabittaogan, Sta. Catalina, Ilocos Sur.

Una rito, kahapon ng alas-7:40 ng umaga nang matagpuang palutang-lutang sa isang fish pond sa nasabing lugar ang bangkay ng biktimang si Marciana Rapacon, na residente ng Sitio San Gregorio, Cabittaogan, Sta. Catalina.

Base sa inisyal na impormasyon ng mga otoridad, bibisitahin sana ni Manuel Ritualo, 53, ang fish pond nito nang makitang palutang-lutang ang bangkay ng biktima.

Sa ngayon, palaisipan pa kung paano napunta sa nasabing lugar ang biktima gayong matanda na ito sa edad na 92.