-- Advertisements --

Ipinasakamay na ng Quezon City Police District (QCPD) sa pamilya nito ang bangkay ni Anakpawis chairman Randall “Randy” Echanis.

Tinanggap mismo ng asawa nito na si Erlinda ang bangkay mula sa Pink Petals Memorial Homes sa La Loma, Quezon city.

Isinagawa ang pag-release ng bangkay ni Echanis matapos na kumpirmahin ng QCPD Crime Laboratory na bangkay nga ito ni Echanis.

Isinagawa ang confirmation sa pamamagitan ng pag-validate ng fingerprint sa isa sa identification card ni Echanis.

Ayon naman sa abogado ng pamilya Echanis na sina Atty. Luchi Perez at Atty. Rachel Pastores ng National Union of Peoples Lawyer (NUPL), sasailalim sa x-ray at autopsy ang bangkay ni Echanis sa Philippine General Hospital sa Taft Avenue, Manila.

Magugunitang sa inisyal na imbestigasyon ng mga kapulisan, namatay si Echanis sa pamamagitan ng saksak at pag-torture sa katawan nito.