-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy ang pagdagsa ng pakikiramay sa pamilya Plaza sa Agusan del Sur matapos pumanaw ang binansagang ‘Lady Builder’ at ‘Political Matriarch’ ng probinsya na si dating Gobernador Valentina Galedo “Loleng” Plaza dahil sa sakit.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Butuan sa kasasulukuyang Philippine Economic Zone Authority o PEZA Director Charito ‘Ching’ Plaza, sister-in law ng pumanaw na Plaza, sinabi nitong darating bukas ng umaga ang bangkay ng dating gobernadora sa Bancasi Airport nitong lungsod ng Butuan at kaagad itong idederetso sa Provincial Capitol sa Agusan del Sur kung saan bibigyan ito ng pagkilala.

Pagkatapos nito’y plano ng pamilya na ilagak ito kahit sandali lang sa bahay nito sa Barangay Baan Km. 3 nitong lungsod ng Butuan ang nakakatakdang Plaza at may gagawing misa sa Saint Joseph Cathedral.

Ayon kay laza wala pang eksaktong araw ng libing nito pero kumpirmado na ilalagak ito sa San Vicente Cemetery nitong lungsod.

Nilinaw rin ng opisyal na hindi COVID-19 ang dahilan sa pagpanaw ng 89-anyos nitong sister in-law kundi dahil sa sakit at katandaan.

Nabatid na ang Philippine Flag at Provincial Flag ng Agusan del Sur sa Provincial Capitol at Datu Lipus Makapandong Cultural Center ay naka half-mast bilang respeto sa pagpanaw sa dating gobernador.