-- Advertisements --

Zamboanga City – Simpleng paghahanda ang ginawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas dito sa Zamboanga tungkol sa naganap na selebrasyon ng foundation day ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong July 3, 2019.

Ang kanilang paghahanda ay may kaakibat na aktibidad tulad ng Corporate Social Responsibility na kung saan ay sila ay namigay ng School supply sa mga paaralan at nag donate din sila ng mga computers sa Sped center sa isang paaralan dito sa Zamboanga at pumunta din sila sa Home for the Elderly at namigay sila ng hygiene kit.

Bukas ay magkakaroon sila ng Blood Letting Activity na parte din sa pagdiriwang nila ng anibersaryo ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ang blood letting activity ay gagawin sa isang mall dito sa Zamboanga.