-- Advertisements --

Nakahada ang Bangko Sentral ng Pilipinas na pondohan ang seed fund ng Maharlika Wealth Fund.

Ito’y matapos, tuluyan nang inalis ang SSS at GSIS bilang funding source sa isinusulong na panukala.

Kinatigan naman ng Komite ang rekomendasyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas hinggil sa magiging ambag nito sa start up fund ng Maharlika Wealth Fund.

Ito’y matapos aprubahan ng komite ang amyenda ni Marikina Rep. Stella Quimbo, isa sa may akda ng MWF na baguhin ang buong section 9 o ang funding provision ng panukala.

Tanging Landbank of the Philippines, Development Bank of the Philippines at BSP ang mag-aambag sa paunang puhunan.
P50 billion ang sa LBP at P25B ang sa DBP.

Sa kabilang dako, hindi na ang Pangulo ng bansa ang isusulong na magsilbing “chairman of the board” ng Maharlika Wealth Fund Corporation o MWFC.

Ito ang napagkasunduan ng mga nagsusulong sa Kamara.

Sa inilatag na amyenda ni Quimbo, ang kalihim na ng Department of Finance o DOF ang tatayong chairman of the board ng MWFC.

Ayon pa kay Quimbo, ang “board of directors” ng MWFC ay magkakaroon ng 15 miyembro.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

  • Chairman – Finance secretary
  • Chief Executive Officer o CEO ng MWFC
  • Presidente ng Landbank of the Philippines
  • Presidente ng Development Bank of the Philippines
  • 7 regular members na kumakatawan sa “contributors”
  • 4 Independent directors mula sa pribadong sektor