Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nagsagawa ito ng kanilang unang BSP Piso Caravan na naglalayong himukin ang paggamit ng digital cash.
Ang Bangko Sentral ng Pilipinas Piso Caravan ay isang currency exchange program na pumapalit sa hindi angkop na pera sa pamamagitan ng pagdeposito ng katumbas na halaga sa mga e-wallet ng mga kliyente.
Ayon sa pahayag ng bangko, ang naturang programa ay naaayon sa pangako ng bangko na panatilihin ang integridad ng pera ng Pilipinas at isulong ang mga digital na pagbabayad upang palakasin ang pagsasama sa financial systems.
Dagdag dito, ang mga kliyenteng walang e-wallet ay tinulungan ng mga kawani ng central bank upang lumikha ng kanilang mga account.
Ang mga banknotes na hindi karapat-dapat ay tulad ng marumi, sobrang luma na, may mantsa, kupas at may hindi na malinaw na marka o sulat sa mismong pera.
Una rito, ang unang caravan ay ginanap sa lugar ng Tagbilaran City.