-- Advertisements --
image 112

Nakapagtala ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagbaba ng gross international reserves (GIR) level sa US$97.4 billion sa pagtatapos ng buwan ng Agosto mula sa dating US$99.8 billion kumpara sa katapusan ng buwan ng Hulyo nitong taon.

Sa kanila nito, angb reserbang dolyar ng bansa ay maituturing pa ring malaking external liquidity buffer na katumbas ng 7.8 months na halaga ng mga import goods and payments services at primary income.

Sinasabing ang deficit ng National Government ay dahil sa foreign currency withdrawals mula sa mga deposito ng BSP lalo na sa mga ipinambyad sa pagkakautang sa ibang bansa at sa ibang gastusin ng gobyerno.