Naghain ng reklamo ang isang German cab operator laban sa mga matataas na opisyal ng Security Bank.
Reklamong paglabag sa Republic Acts 11469 o Bayanihan to Heal as One Act, at paglabag sa RA 11494 o Bayanihan to Recover as One Act ang isinampa sa Makati City Prosecutor ng complainant na si Rolf Wiltschek, presidente ng JRD Subic Transport Corp.
Ang reklamo ay isinampa laban sa mga direktor ng Security Bank na sina Frederick Y Dy, Alberto S. Villarosa, Anastasia Y. Dy, Alfonso Salcedo, JR., Diana Aguilar, Cirilo Noel, Takashi Takeuchi, Hiroshi Masaki, Sanjiv Vohra, Philip T. Ang, Gerard H. Brimo, Enrico S. Cruz, James J.K. Hung, Jikyeong Kang, at Napoleon L. Nazareno.
Ayon kay Wiltschek, ang kaniyang kumpanya ay mayroong checking account sa Security Bank – EDSA Magallanes Branch sa Makati City na kanilang ginagamit sa pagbabayad sa loan amortization ng 30 Toyota Vios Units.
Sinabi ni Wiltschek na nag-isyu ang kanilang kumpanya ng post-dated checks bilang hulog sa loan.
Pumasok ang JRDC Subic Transport Corp sa credit agreement sa SBM Leasing, Inc. (SMB Leasing) para sa pagbili ng 30 Toyota Vios Units.
Ang SMB Leasing ay joint venture leasing company ng Security Bank Corporation at mg Marubeni Corporation of Japan.
Sa ilalim ng kasunduan, naka-surrender sa SBM-Leasing ang Certificate of Registration at OR/CR ng 30 sasakyan.
“Pursuant to the Chattel Mortgage, we had to surrender the Certificate of Registration and official Receipts (OR/CR) of the thirty (30) Toyota Vios Units with SBM-Leasing Inc.,” ayon sa reklamo.
Dahil sa lockdown na ipinatupad ng gobyerno simula noong March 2020 bunsod ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic naapektuhan ang operasyon ng kumpanya ni Wiltschek.
Ang kanila kasing pangunahing operasyon ay sa mga terminal ng paliparan na noong kasagsagan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Luzon at Modified ECQ sa Metro Manila ay pawang nagsara.
Naghain ang kumpanya ng Petition for Provisional Authority sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Ito ay para mapayagan ang kanilang mga tourist taxicab units kabilang ang mga Toyota Vios Units na makabiyahe sa Metro Manila bilang regular white taxis habang umiiral ang restrictions na ipinatutupad ng Inter Agency Task Force (IATF) sa NAIA Terminals 1, 2, at 3.
“A vital part of the requirements of the Petition with the LTFRB is that we, as petitioner, have to produce and to present during the final hearing before the LTFRB the ORIGINALS of the
Certificate of Registration and Official Receipts (OR/CR) of authorized units included in the said Petition,” batay paa sa reklamo.
Gayunman, ang 30 sa 50 OR/CRs ng kumpanya ay nasa SBM Leasing Inc. para makasunod sa requirements ng LTFRB, hiniling ni Wiltschek sa SBM Leasing na a pansamantalang mai-release ang mga OR/CR upang maipakita nila sa LTFR sa itinakdang hearing.
Sa tugon ng SBM Leasing, humingi ito ng cash bond na P600,000 bago maibigay ang mga OR/CR.
“SBM Leasing Inc. replied via email for us to copy furnish the Heads and Managers of Security Bank for submission of Affidavit of Undertaking and a cash bond in check worth P600,000 before they will endorse all Thirty (30) units Original OR/CR to be in our possession within Thirty (30) days and to return such on or before the agreed period of time,” ayon pa kay Wiltschek.
Sinabi ng German na agad naman silang tumugon sa hiling ng SBM at isinumite ito sa kanilang tanggapan pero isang linggo matapos mailagak ang bond, sinabi ng SBM Leasing Inc. na hindi nila maire-release ang original OR/CR ng 30 Toyota Vios Units.
Napag-alaman din ni Wiltschek na ‘closed’ na pala ang kanilang Security Bank Account noong July 27, 2020 nang hindi man lang sila inaabisuhan ng bangko.
“Security Bank Corporation sent us a Bank Certification stating that our account was “AUTO CLOSED” with the reason the bank initiated due to Auto systems for closure of account”, withoutng providing any other information as the cause thereof,” ayon pa kay Wiltschek.
Sinabi ni Wiltschek na ang hakbang na ito ng bangko ay nakaapekto ng malaki sa kanilang kumpanya at sa 136 regular drivers nila.
Dagdag pa nito na nilabag ng Security Bank ang RA Nos. 11469 at 11494.
Ipaghaharap din ng reklamo ang Security Bank sa Department of Labor and Employment (DOLE).